NEWS

ADVISORY

Pahayag ni DILG Sec Eduardo Año ukol sa mga insidente ng pamamaslang

December 27, 2018

Nakikiramay ang Kagawaran sa pamilya ng mga naulila at kanilang mga taong pinaglilingkuran.

Alinsunod sa kautusan ng Malacanang, puspusan ang Kagawaran at ang PNP sa imbestigasyon at pagtugis sa mga salarin at higit sa lahat sa masterminds sa likod ng pagpaslang na ito.

Naninindigan pa rin ang Kagawaran na ang mga isyu at problema tungkol sa seguridad ay nangangailangan ng whole-of-government approach at whole-of-nation initiative.

Hindi isinasantabi ng Kagawaran ang anggulo na may kinalaman ang paparating na halalan sa mga pamamaslang na ito.

Kaya, katuwang ng COMELEC at ilan pang ahensya ng pamahalaan, agad na tutukan natin ang mga maituturing na election hotspots sa bansa.

Inaatasan natin ang PNP na magsagawa ng karagdagang check points at karagdagang security measures upang mapigilan ang ganitong mga insidente.

Bukas ang Kagawaran sa pakikipagtulungan ng ating mga mamamayan upang maresolba at mapigilan ang ganitong uri ng karahasan.

Binabalaan natin ang lahat ng may kinalaman sa mga insidenteng ito na hindi titigil ang DILG at PNP hanggang hindi nakakamit ng mga biktima ang hustisya. ###