NEWS

ADVISORY

Pahayag ni DILG Asec. Jonathan E. Malaya, DILG Spokesperson, tungkol sa umano'y "crackdown" sa mga kasapi ng ACT

January 8, 2019

Bukas si Secretary Eduardo M. Año sa hinihiling na dayalogo ng Department of Education (DepEd) tungkol sa sinasabing crackdown sa mga kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ng Philippine National Police. Handa kaming makipagpulong sa aming mga partners sa DepEd sa lalong madaling panahon at pagkakataon.

Gayunpaman, gaya ng pahayag ni P/Director General Oscar Albayalde, nais naming ipagdiinan na walang crackdown sa mga ACT members sa alinmang paaralan sa bansa. Ang tanging ginagawa ng PNP ay simpleng pag-imbestiga at pagkalap ng impormasyon na bahagi ng tungkulin nito.

Responsibilidad ng PNP na subaybayan ang lahat ng grupo o organisasyon na kritikal sa gobyerno lalong-lalo na ang mga militanteng organisasyon na ang tanging layunin ay patalsikin ang inihalal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng pagpupulong sa aming mga counterparts sa DepEd, nais naming maparating sa kanila na ang ginagawa ng PNP ay hindi lamang legal kundi kinakailangan.