NEWS

89 Barangay Chairperson sinuspinde ng DILG dahil sa mga anomalya sa SAP

September 14, 2020

Walumput-siyam (89) na barangay chairpersons ang pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman matapos silang sampahan ng reklamo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa mga anomalya at iregularidad sa pamamahagi ng unang ayuda ng Social Amelioration Program (SAP).

Inatasan ni DILG Secretary Eduardo M. Año ang mga mayor ng mga punong barangay na ito na ipatupad sa lalong madaling panahon ang kautusan ng Ombudsman habang ang mga DILG regional directors at field officers ay dapat siguruhin ang maayos na implementasyon ng maramihang suspensyon.

Pinasalamatan ni Año si Ombudsman Samuel Martires sa mabilis na aksyon sa mga reklamo ng DILG dahil ito ay magsisilbing matinding babala na hindi kinukunsinti ng Kagawaran ang mga maling gawain ng mga lokal na opisyal.

“Naway magsilbing babala ang suspensiyon na ito sa iba pang mga lokal na opisyales. Ang katiwalian ay walang puwang sa ating pamahalaan lalong-lalo pa ngayong panahon ng pandemya,” dagdag nito.

Sa ipinalabas na Order na may petsa September 2, 2020 ng Office of the Ombudsman, isinaad na “The evidence on record shows that the guilt of these punong barangays is strong and the charges against them involve Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Abuse of Authority and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service which may warrant removal from the service.”

Ayon pa sa Ombudsman, ang pananatili ng mga punong barangay sa posisyon ay maaring makaapekto sa mga kaso na inihain sa kanila “[so] placing them under preventive suspension for a period of six (6) months pursuant to Republic Act No. 6770 is proper under the premises.”

Sinabi naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang suspensyon sa 89 Punong Barangays, ang pinakaunang mass suspension sa kasaysayan ng bansa, ay isa lamang sa mga hakbang na ipinatutupad ng DILG para matanggal ang mga corrupt na opisyal na namahagi ng SAP.

Ayon kay Malaya, ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), mula sa kautusan ng DILG, ay nagsampa ng kasong kriminal laban sa 447 na tao dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), RA 11469 (Bayanihan Act I), at RA 6713 (Code of Conduct of Government Officials and Employees), dahil sa anomalya sa pagpapatupad ng Social Amelioration Program.

Sa 447 na suspek, 211 ay mghalal na barangay officials, 104 ay appointed officials at 132 ay mga sibilyan.

Ang mga kaso ay nasa iba’t-ibang city at provincial prosecutors na, ayon sa DILG.

Karamihan sa mga na-suspindeng Punong Barangay ay mula Region I, NCR, Region II, habang ang Cordillera Administrative Region at Caraga ay kaunti lang ang bilang ng suspendidong PBs, at tanging ang Region XII ang walang suspendidong PBs.

Ang 12 suspendidong PBs sa Region I ay sila Jason C. Dominguez ng Barangay Nagsayaoan, Sta. Maria, Ilocos Sur; Marino Cabados Cirilo, Sr. ng Barangay Cadacad, Narvacan, Ilocos Sur; Antonio Delos Santos y Cachero ng Barangay Laslasong West, Sta. Maria, Ilocos Sur; Elmer Castillo Abenojar ng Barangay Guesset, Naguilian, La Union; Samuel S. Fernandez ng Barangay Gusing Sur, Naguilian, La Union; Ariel Cayabyab Hiquiana ng Barangay San Vicente, San Jacinto, Pangasinan; Walter Velasco y Bruan ng Barangay Cablong, Sta. Barbara, Pangasinan; Angel Oria Sombrito ng Barangay Calanutan, Rosales, Pangasinan; Lawrence Gilbert Delos Angeles ng Barangay Balogo, Binmaley, Pangasinan; Froilando V. Fernandez ng Barangay Gayaman, Binmaley, Pangasinan; Rogelio Fernandez ng Barangay Caloocan Norte, Binmaley, Pangasinan; at Rogelio Fernandez ng Barangay Caloocan Norte, Binmaley, Pangasinan.

Sa National Capital Region (NCR), kasama sa 11 suspendidong PBs ay si Rogelio Atangan, Jr. ng Barangay 9, Zone 2 at Olivia Suarez Barangay 181, Zone 19, Maricaban parehong taga-Pasay City; Leonardo “DJ” Recto ng Barangay 11, Zone 2, at Mario Banal ng Barangay 123, Zone 9, parehong mula sa District 1, Tondo; Romeo Garcia ng Barangay 449, Zone 49, at Jonas Z. Bartolome Barangay 418, Zone 4 na parehong mula sa District 4, Sampaloc; at Anthony Magno ng Barangay 283, Zone 26, District 3, Binondo, Manila; Nenita Valdez ng Barangay Mariblo, San Francisco Del Monte, Quezon City; Ana Liza Rosero ng Barangay Teacher’s Village West, Quezon City; Ritchie Poblacion ng Barangay Quirino 2-B, Project 2, Quezon City; at Remedios A. Reyes of Barangay Sta. Cruz, Pasig City.

Sa Region II, mayroong 10 suspendidong PBs kasama sina Arnel P Quesada ng Barangay Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela; Buenvinido B. Ruiz ng Barangay Callangigan, Quezon, Isabela; Domingo G. Tagufa ng Barangay Balug, Tumauini, Isabela; German G. Vinoya Jr. ng Barangay Oscariz, Ramon, Isabela; Sherwin S. Cadavona ng Barangay Calinaoan Malasin, Sto. Tomas, Isabela; Jessie D. Corpuz ng Barangay Baybayog, Alcala, Cagayan; Marlon A. Abuyuan ng Barangay Tallungan, Aparri, Cagayan; Leodines L. Bautista ng Barangay Centro 12, Tuguegarao City; Samson D. Ebenga ng Barangay Abaca, Dupax Del Sur, Nueva Vizacaya; at Wilson Cansino ng Barangay San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Mayroon namang siyam (9) na suspendidong PBs sa Region V. Ito ay sina Omar G Guban ng Barangay Batang, Irosin, Pasay Sorsogon; Medel G Labayan ng Barangay Bayabas, Labao, Camarines Norte; Allan Nevales ng Barangay Bagongbong, Minalabac, Camarines Sur; Anna N. Theresa Losiñada ng Barangay Lacag, Daraga, Albay; Camillo H Hiloma ng Barangay Binisitahan Del Sur, Magallanes, Sorsogon; Eusebio B Lorico ng Brgy. Buang, Tabaco City, Albay; Gresilda R Lumawon ng Barangay Mahaba, Ligao City, Albay; Norma B Bañadera ng Barangay Manaet, Bacacay, Albay; at Roger Cantes ng Barangay Carayrayan, Tiwi, Albay.

Sa Region VII, mayroong siyam (9) na suspendidong PBs at ito ay sina Rodolfo Simbajon ng Barangay Guio-ang, Guindulman, Bohol; Mario A. Lamanilao ng Barangay Calituban, Talibon, Bohol; Eugene Zamora ng Barangay Taloto, Tagbilaran City, Bohol; Patricio G. Soco ng Barangay Alang-Alang, Mandaue City, Cebu; Ulysses Raganas ng Barangay Linao, Talisay City, Cebu; Zosima P. Rojo ng Barangay Upper, Natimao-an, Carmen, Cebu; Norman Navarro ng Barangay Basak-San Nicolas, Cebu City, Cebu; Ignacio Cortes II ng Barangay Centro, Mandaue City, Cebu; at Mercedita S. Uy ng Barangay Cancawas, San Jose, Negros Oriental.

Walo (8) naman sa mga suspendidong PBs ay mula sa Region VI kasama si Tezardo M. Tejada ng Barangay To-oy, Himamaylan City, Negros Occidental; Evelyn C. Ta-asan ng Barangay 11, Bacolod City, Negros Occidental at Noli Villarosa ng Barangay Tangub, Bacolod City, Negros Occidental; Kim C. Piramo ng Barangay 19, Bacolod City, Negros Occidental; Romeo Sultan ng Barangay Salamanca Toboso, Negros Occidental; Ruel Sabequil ng Barangay Cabungahan, Calatrava, Negros Occidental; at Tito Dipon Barnuevo ng Barangay Linao, Panay, Capiz.

Mayroon ding pitong (7) suspendidong PBs sa Region VIII kasama sina Michael L. Vapor ng Brgy. Jordan, Villaba, Leyte; Esterlina M Jacobe ng Brgy. Nasaug, Maasin City; Jenecita T. Losaria ng Brgy Catalina, Jiabong, Samar; Efren D. Truelda ng Brgy. 13, Catbalogan City, Samar; Wilfredo Bacarra ng Brgy. Masagana, Jiabong, Samar; Nathan “Bembem” Gabronino ng Brgy. Zone 3, Sogod, Southern Leyte; at Jebanie R. Rios ng Barangay Buenavista, Palompon, Leyte.

Kasama din sa limang (5) suspendidong PBs sa Region XI ay sila Maria T. Te ng Barangay Manuel Roxas, Governor Generoso, Davao Oriental; Josephina Padillo ng Barangay Libertad, Bansalan, Davao del Sur; Aurora C. Benemerito ng Barangay Bangkal, Matanao, Davao del Sur; Noel V. Alo ng Barangay Mayo, City of Mati, Davao Oriental; and Apolonio Toledo ng Barangay Harada Butal, Padada, Davao del Sur.

Sa Region IV-A, mayroong apat (4) na suspendidong PBs kasama sina Josefino Malicad Jr. ng Brgy. II-C, San Pablo City, Laguna; Gary Remoquillo ng Brgy Landayan, San Pedro City, Laguna; Rowell Cabuyao Dela Torre ng Barangay Ilayang Nangka, Tayabas City, Quezon; at Rodelio Endaya ng Brgy. Baybayin Rosario Batangas.

Apat (4) na suspendidong PBs naman ay mula sa Region IVB. Ito ay sina Aaron Lubina Villareal ng Barangay Villa Cervesa, Oriental Mindoro; Lodilito D. Bandiola Jr. ng Barangay Salvacion, Rizal, Occidental Mindoro; Imee Malabayas Lara ng Barangay Tumapon, Boac, Marinduque; at Leonardo M. Narzoles ng Barangay Tabi, Boac, Marinduque.

Sa Region III ay mayroong tatlong (3) suspendidong PBs kasama sina Mario Racoma Y Abujen ng Barangay Santo Niño, San Felipe, Zambales; Willie E. Gutierrez ng Barangay Nagpandayan, Guimba, Nueva Ecija; at Lavarnie Gopez Y Pineda ng Brgy. Bulaon, City ng San Fernando, Pampanga.

Tatlong (3) PBs din ang suspendido sa Region X kasama sina Camilo B Anduyan ng Brgy. Tibangan, Iligan City; Jocelyn B. Janioso ng Barangay Mabunga, Baugnon, Bukidnon; at Zosimo Lao Zapico ng Brgy. Ampinican, Salay, Misamis Oriental.

Sa Cordillera Administrative Region, tatlong PBs ay suspendido din kasama sina Jimmy Cabiao ng Barangay Quimloong, Bucay, Abra; Dennis Felina ng Barangay Luzong, Manabo, Abra; at George Frederick Obal ng Barangay Apatan, Pinukpuk, Kalinga.

At pangwakas, si PB Wilfredo M. Membrillos ng Barangay Nong Nong, Butuan City, Caraga Region ay suspendido ng anim (6) na buwan.